Scuba diver, sinubukan nang pasukin ang tunnel kung saan na-trap ang apat na manggagawa sa Gen. Nakar, Quezon

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Bumuo na ng crisis management team ang mga otoridad upang mahanap ang apat na mga trabahador na na-trap sa isang tunnel sa Sumag River, Barangay Umiray, General Nakar, Quezon.

Pinangungunahan ni Engr. Ted Alipio ng MWSS ang team kasama sina Lt. Col. Ramil Anoyo, commander ng 48th Infantry Battalion ng Philippine Army at Norzagaray MDRRMO head Kenneth Viloria bilang mga vice chairman.

Ayon kay Anoyo, sinubukan na ng diver ng CAVDEAL International Construction na pasukin ang tunnel kung saan na trap ang apat.

Miyerkules ng umaga ay muling sinimulan ang operasyon ng mga tauhan ng 48th IB at mga rescuer ng Philex mining.

Dahil isolated ang lugar chopper ang isa sa pinakamadaling paraan para makarating sa bahagi ng Sumag River.

Umaasa naman ang mga otoridad na maililigtas pa ang apat kahit ikalimang araw na ang mga itong na-trap sa tunnel.

 

Read more...