City buses, papayagan na sa NAIA Terminal 3

City Bus Inq File
Inquirer file photo

Papayagan ng makabiyahe hanggang sa terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga city buses, simula bukas, araw ng Huwebes.

Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Jose Angel Honrado, 55 mga pampasaherong city buses ang pinagkalooban specia permit para mapalawig ang kainlang ruta sa south-end portion o hanggang sa Circulo del Mundo sa Pasay City.

Bago ang nasabing special permit, hanggang NAIA terminal 1 at 2 lamang napapayagan ang mga city buses at hindi siya pinapayagang makadiretso sa terminal 3.

Sa ilalim ng bagong bus scheme, lahat ng bus na galing ng Roxas boulevard at dadaan sa NAIA Road, diretso sa Domestic Road hanggang Andrews Avenue ay didiretso na rin sa Circulo del Mundo. Pareho din ang magiging ruta ng mga bus pabalik.

Maglalaan ng espasyo para sa mga buses sa bahagi ng Circulo del Mundo na magsisilbing bus stop at maglalagay din ng isa pang bus stop sa kahabaan ng Domestic Road para sa mga pasahero na patungo ng Terminal 4./Ruel Perez

Read more...