CGMA, pinayagan ng Sandiganbayan na bumiyahe sa Germany, France at Hong Kong
Maaring makabiyahe sa Europa at Hong Kong si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.
Sa tatlong magkakahiwalay na resolusyon ng Sandiganbayan Fourth Division, pinayagan nito ang hirit ni Arroyo at asawang si dating First Gentleman Mike Arroyo na makabiyahe sa Germany at France mula September 19 hanggang October 3, at sa Hong Kong mula October 29 hanggang November 4.
Inatasan ng Sandiganbayan si Congw. Arroyo na maglagak ng P300,000 na travel bond para matiyak ang pagsunod nito sa terms and conditions ng kaniyang biyahe.
Habang P90,000 naman ang travel bond na itinakda para sa dating unang ginoo.
Limitado ang itinerary ng mag-asawa sa Munich, Germany; Paris, France at Hong Kong.
Una nang hiniling sa Sandiganbayan ni Arroyo na payagan siyang magpagamot at makapagbakasyon ng maiksi sa Europe.
Habang pagdalo naman sa family reunion ang dahilan ng kaniyang biyahe sa Hong Kong.
Si Arroyo ay nahaharap pa rin sa kasong may kaugnayan sa $329-million national broadband deal o NBN – ZTE deal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.