Naganap ang insidente sa Zhangye City sa probinsya ng Gansu sa northwest China.
Kabilang sa nasawi ang siyam na manggagawa sa minahan at tatlong miyembro ng rescue team.
Ayon sa mga rumespondeng bumbero, na-trap siyam sa mga minero ang na-trap nang maganap ang sunog.
Bagaman nailabas sila ng mga rescuer, wala nang buhay ang mga ito ang makuha mula sa nasunog na minahan.
Nasawi din ang tatlong miyembro ng rescue team, matapos makaranas ng hirap sa paghinga bunsod ng napakakapal na usok.
Ang minahan ay pag-aari ng Jiuquan Iron and Steel Group (JISCO).
MOST READ
LATEST STORIES