12 ang patay sa sunog sa limestone mine sa China

By Dona Dominguez-Cargullo August 17, 2016 - 11:14 AM

Gansu ChinaLabingdalawa ang nasawi sa naganap na sunog sa isang minahan ng limestone sa China.

Naganap ang insidente sa Zhangye City sa probinsya ng Gansu sa northwest China.

Kabilang sa nasawi ang siyam na manggagawa sa minahan at tatlong miyembro ng rescue team.

Ayon sa mga rumespondeng bumbero, na-trap siyam sa mga minero ang na-trap nang maganap ang sunog.

Bagaman nailabas sila ng mga rescuer, wala nang buhay ang mga ito ang makuha mula sa nasunog na minahan.

Nasawi din ang tatlong miyembro ng rescue team, matapos makaranas ng hirap sa paghinga bunsod ng napakakapal na usok.

Ang minahan ay pag-aari ng Jiuquan Iron and Steel Group (JISCO).

 

 

TAGS: fire hits limestone mine in china, fire hits limestone mine in china

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.