Umabot na sa labing tatlo ang nasawi sa magkakaibang insidente na naidulot ng pananalasa ng habagat.
Sa update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong alas 8:00 ng umaga, apat pa ang nadagdag sa talaan ng mga nasawi.
Kabilang dito sina Felix Mendoza Catapang, 57 anyos; Leonida Andrin Catapang – 46, anyos; at Jamaica Delaney Catapang – 13 anyos na pawang residente ng Sitio Kamalig sa Barangay Reparo,, Nasugbu Batangas.
Ang tatlo ay pawang magkaka-anak na nasawi makaraang makuryente sa kasagsagan ng pag-ulan noong a-kinse ng Agosto.
Isa pang nadagdag sa bilang ng mga nasawi si Zaldy Gloriani, 29-anyos ng Barangay Castanos Cerca, General Emilio Aguinaldo, Cavite na nalunod naman sa Maragondon noong August 14.
Mayroon namang siyam pa na nawawala ay anima ng naitalang nasugatan.
Sa datos naman ng DSWD, 4,487 na pamilya pa o 17,896 na indibidwal ang nananatili sa mga evacuation centers sa Regions 1, 3, 4-A, VI, NCR at CAR.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.