2 hinihinalang pusher, patay sa Cavite

Patay ang dalawang lalaki matapos na manlaban sa ikinasang buy-bust operation ng mga pulis sa Bacoor, Cavite.

Isinagawa ang drug buy-bust operation sa Talaba VI, Bacoor, Cavite at target ang isang alas Manok.

Nang isinasagawa na ang transaksayon ay nakatunog ang suspek at pinaputukan ang mga pulis.

Dead on the spot si alyas Manok, habang dead on arrival naman sa pagamutan ang isa pang hindi nakikilalang suspek.

Si alyas Manok umano ang nagpapatakbo ng isang drug den sa lugar.

Nasabat mula sa dalawang suspek ang dalawang 38 caliber at mga drug paraphernalia.

Samantala, ptay ang hinihinalang runner/pusher matapos tambangan ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa Don Julio Gregorio, Sauyo, Quezon City.

Kinilala ng mga kaanak ang nasawi na si Federico Ramirez, 47-anyos.

Ayon sa kanyang live-in partner na si Margarita Hernandez, natutulog sila ng pasukin ang kanilang bahay. Nagawa pang tumakbo ang kaniyang kinakasama at makaakyat sa bubong pero tinamaan din ito ng bala ng baril at nahulog mula sa bubong.

Apat na armadong lalaki ang pumasok sa kanilang bahay at isa doon ang pumatay kay Ramirez.
kinakasama.

Isa namang lalaki ang natagpuang patay sa Tripa de Galina, Buendia Avenue sa Pasay City.

Ang lalaki ay tinalian ng packaging tape sa kaniyang mga kamay at may nakuhang anim na basyo ng bala ng baril sa tabi ng biktima.

 

 

Read more...