May namataang Low Pressure Area ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA sa bahagi ng Virac, Catanduanes.
Ayon kay PAGASA forecaster Buddy Javier, ang nasabing LPA na huling namataan sa 185 kilometers East Northeast ng Virac sa Catanduanes ay maaring makapagpaulan sa Bicol Region at Eastern Visayas.
Pero ayon kay Javier, maliit ang tsansa na lumakas at maging bagyo ang LPA, katunayan posible aniyang malusaw na ito sa susunod na 24-oras.
Samantala sa forecast ng Japan Meteorological Agency at ng Joint Typhoon Warning Center, ang bagyo na may international name na Halola ay maaring pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bago ang weekend.
Gayunman, walang magiging epekto ang typhoon Halola sa bansa dahil lalabas din ito agad sa northeastern boarder ng Pilipinas.
Papangalanang “Goring” ang nasabing bagyo kapag nakapasok na ng bansa./ Dona Dominguez-Cargullo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.