Oral arguments sa petisyon kontra Marcos burial, itinakda ng SC sa Aug. 24

By Jay Dones August 17, 2016 - 04:33 AM

 

Inquirer file photo

Magsasagawa na ng oral arguments ang Supreme Court sa August 24 upang talakayin ang petisyon na humihiling na pigilin ng hukuman ang paglilibing sa Libingan ng mga Bayani sa labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ipinag-utos din ng Korte Suprema na maghain ng kanilang mga komento sa petisyon sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at mga kaanak ng namayapang pangulo sa loob ng limang araw.

Matatandaang una nang naghain ng petisyon sa SC ang mga biktima ng martial law na humihiling na ibasura ng hukuman ang direktiba ng AFP at DND na simulan na ang preparasyon sa libing ng yumaong presidente.

Sa petisyon, iginiit ng grupo na hindi dapat malibing sa naturang sementeryo si Marcos dahil mistulang babaguhin nito ang kasaysayan.

Hindi anila nararapat malibing sa Libingan ng mga Bayani si Marcos na itinuturing na isang diktador at tumangay ng pera ng taumbayan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.