Death anniversary ni Jesse Robredo, holiday sa Naga City

 

Inquirer file photo

Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na special non-working holiday ang August 18 sa Naga City upang mabigyan ng pagkakataon ang mga residente na gunitain ang ika-apat na death anniversary ni dating Interior Secretary at Naga City Mayor Jesse Robredo.

Nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang Proclamation No. 37 na kumikilala rin kay Robredo bilang isang “champion of good governance.”

Nakasaad pa rito, na si Robredo ay naging isang instrumento ng malawakang pagbabago sa lokal na pamamahala.

Nanilbihan si Robredo, na asawa ni Vice President Leni Robredo, bilang alkalde ng Naga City sa loob ng 19 taon, kung saan nakatanggap siya ng mga pagkilala dahil sa mabuti niyang pamumuno.

Isa sa mga natanggap niyang parangal ay ang prestihiyosong Ramon Magsaysay Award for Government Service noong 2000.

Nanungkulan rin siya bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government at nasawi noong 2012 sa isang plane crash sa Masbate.

Read more...