Climate-Change Conference, pinangunahan ng Vatican

July 22, 2015 - 07:51 AM

vatican wikipediaNagtipun-tipon sa Vatican ang ilang mga local executives mula sa iba’t ibang panig ng mundo para bumalangkas ng ilang mga hakbangin para makaagapay sa epekto ng climate change.

Layunin ng Global Warming Conference na pababain ng hanggang sa 2-degree celcius ang temperatura sa mundo sa pagtatapos ng kasalukuyang siglo.

Kabilang sa mga signatories sa conference na pinangangasiwaan ni Pope Francis ay ang apatnapu’t pitong mga bansa kabilang na ang mga top polluters na China at Estados Unidos.

Sa naturang forum, sinabi ni San Francisco City Mayor Edwin Lee na aalisin na nila sa kanilang fleet ang mga sasakyang ginagamitan ng ordinaryong krudo o diesel at papalitan ang mga ito ng compressed natural gas at renewable diesel.

Sinabi naman ni Stockholm (Sweden) Mayor Karin Wanngaard na simula pa noong 2014 ay inayos na nila ang kanilang public transport system kung saan 75-percent ng mga pampublikong sasakyan doon sa ay gumagamit na ng fuel gamit ang mga renewable energy sources tulad ng bigas.

Ilang lamang sila sa mga opisyal na nagsalita sa naturang pagtitipon bilang ‘prelude’ sa gaganaping World Global Warming Summit na gaganapin sa Paris sa Disyembre.

Si Pope Francis naman ay nagsabing kinakailangan ang collective efforts ng mga world leaders para mailigtas ang daigdig sa lalo pa nitong pagkasira dahil sa kapabayaan ng mga tao at iba’t ibang mga environmental issues./Den Macaranas

TAGS: Global Warming Conference in Vatican City, Global Warming Conference in Vatican City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.