Baguhan man sa Kongreso, kabilang pa rin si Batangas Rep. Vilma Santos sa pinakabagong listahan ng mga kongresistang nabigyan ng komite sa Kamara.
Inanunsyo ni Majority Floor Leader Rudy Fariñas sa sesyon na ginanap Martes ng gabi ang mga sumusunod na mambabatas na mamumuno sa ilang mga komite:
– West Philippine Sea – Quezon City Rep. Feliciano Belmonte Jr.
– Civil service and professional regulation – Batangas Rep. Vilma Santos-Recto
– Cooperative development – AGAP Rep. Rico Geron
– Ecology – Nueva Ecija Rep. Estrellita Suansing
– Human rights – Zambales Rep. Cheryl Deloso Montalla
– Public information – ACT Rep. Antonio Tinio
– Food security – Negros Occidental Rep. Leo Rafael Cueva
Ipinangako naman ni Santos-Recto na kahit baguhan lang siya, magpapaka-aktibo siya bilang mambabatas para hindi lang siya makilala bilang “Star for all Seasons” sa showbiz, kundi pati “Star for all sessions” rin sa Kamara.
Si Belmonte ay inilagay sa special committe on West Philippine Sea dahil sa kaniyang karanasan sa isyung ito matapos niyang maging kasapi ng delegasyon ng Pilipinas sa pagdinig ng kaso laban sa China sa The Hague.
Matatandaang sa desisyon ng The Hague, sinabi na walang legal na basehan ang nine-dash line ng China na sumasakop sa halos buong South China Sea.
Samantala si Tinio naman ay nabigyan ng pribilehiyo na mamuna ng isang komite dahil sa pagiging miyembro niya ng majority coalition na bumoto kay Speaker Pantaleon Alvarez.
Naka-toka sa public information committee ang pagtalakay sa kontrobersyal na Freedom of Information bill na siyam na Kongreso nang nakabinbin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.