NDF consultants dapat makadalo sa Oslo peace talks-Duterte

By Chona Yu August 17, 2016 - 04:34 AM

 

Duterte MalacanangInatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bureau of Immigration (BI) at Department of Foreign Affairs (DFA) na tiyaking makabibiyahe ng Oslo, Norway ngayong weekend ang labingwalong consultants ng National Democratic Front (NDF).

Ito ay para makaupo ang NDF consultants sa peace talks na gaganapin sa Oslo ngayong August 20.

Nabatid na kasamang nakipagpulong kagabi kay Pangulong Duterte at GPH-NDF Peace panels sa malakanyang si Bureau Of Immigration commissioner Jaime Morante.

Kabilang sa mga magtutungo sa Oslo ang mag-asawang Wilma at Benito Tiamzon na una nang pinayagan ng korte na makapag-piyansa sa kasong murder.

Pinakilala na rin kahapon ang pinakabagong miyembro ng Government Peace Panel na si Atty. Antonio Arellano na retiradong State Prosecutor ng Region 11.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.