Sinabi ni Sen. Jv Ejercito na may listahan pa si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga lokal na opisyal na sangkot sa droga.
Ayon kay Ejercito ang listahan ay nabanggit sa pakikipagkita nila kay Ginoong Duterte sa Malakanyang kamakalawa.
Katuwiran ng pangulo sa mga kaharap niyang senador ang pagbibigay proteksyon ng mga lokal na opisyal ang dahilan kayat hindi nagsusugpo ang droga.
Dagdag pa ni Ejercito, laman ng listahan ang ilang dating mambabatas, mga alkalde at konsehal na karamihan aniya ay sa mga probinsiya.
Tumanggi si Ejercito na magbigay ng pangalan na nasa listahan sa katuwiran na bilang respeto sa pangulo ay ito lang ang may karapatan na magbunyag kung sino sino ang nasa listahan at tiwala siya na gagawin ito sa tamang panahon.
Bukod kay Ejercito kasama rin sa pulong sina Sen. Joel Villanueva, Cynthia Villar, Migz Zubiri, Dick Gordon, Alan Peter Cayetano at Ralph Recto.
Nabanggit din ni Ejercito na hindi isyu sa kay Pangulong Duterte ang pagpupursige ni Sen. Leila de Lima na maimbestigahan sa senado ang extra judicial killings.
Sinabi sa kanila ng pangulo naiintindihan niya na ginagawa lang ni de lima ang trabaho nito at kilala ang senadora na protektor ng karapatang pantao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.