PNP Chief: Hindi gagamit ng taser sa mga operasyon kontra droga

By Ruel Perez August 16, 2016 - 08:09 PM

Duterte Dela Rosa
RTVM

Hindi umano mapapagbigyan ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang hiling ng ilang sektor na gumamit ng taser gun at camera ang mga pulis sa isinasagawang anti-illegal drugs operations.

Ayon kay PNP Chief Ronald Bato dela Rosa, ayaw niyang isabak sa laban ang kanyang mga tauhan para lang mamatay gamit ang taser gun.

Paliwanag ni dela Rosa, sa giyera laban sa illegal drugs dapat nakahanda ang mga pulis na pumatay at mamatay dahil armado ang mga kalaban sindikato ng droga.

Maliban dito malayo rin umano sa prioridad ng PNP ang pagbili ng camera.

Giit ng opisyal, kung meron mang pondo, gagamitin na lamang umano niya ito pambili ng baril at bala para magamit ng mga pulis panlaban sa mga sindikato ng ilegal na droga

Dagdag pa ni Bato, mas mabuti na tiyakin ang kaligtasan ng kanyang mga pulis kaysa mapagbigyan lamang ang ilang bumabatikos sa kanilang kampanya laban sa droga.

TAGS: dela rosa, duterte, Illegal Drugs, PNP, taser, dela rosa, duterte, Illegal Drugs, PNP, taser

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.