Pagdedeklara ng state of calamity di pa kailangan ayon sa NDRRMC

flood
Inquirer file photo

Hindi pa kinakailangang magdeklara ng state of calamity ang National disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahit umabot ng halos ay isang linggo ang nararanasang pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.

Sinabi ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad na magpapatuloy pa rin ang mga pag-ulan base sa mga impormasyon na ipinarating Pagasa.

Mula noong August 10 ay umakyat na sa sampu ang casualties dahil sa nararansang mga pag-ulan sa iba’t ibang panig ng bansa.

Umabot naman sa 5,037 families ang nanatili pa rin sa 63 evacuation centers kabilang na dito ang 457 families mula sa Marikina City.

Lubog pa rin sa tubig baha ang ilang mga bayan sa mga lalawigan ng Bataan, Zambales, Aurora, Tarlac, Pampanga at Bulacan ayon sa NDRRMC.

Apektado pa rin ng landslides ang ilang mga lugar sa Benguet, Baguio City at Bataan.

Pinag-iingat naman ng Pagasa ang publiko sa pagpapatuloy ng mga pag-ulan kasabay ng binabantayan nilang sama ng panahon 1,360 kilometers sa Silangan ng Baler, Aurora.

Read more...