Panibagong petisyon kontra Marcos burial sa Libingan ng mga Bayani, inihain sa Korte Suprema

By Dona Dominguez-Cargullo August 16, 2016 - 01:17 PM

Ferdinand-Marcos-0922Nagsampa ng petisyon sa Korte Suprema ang pamilya ng mga biktima ng enforced disappearances noong panahon ng Martial law kontra sa paglilibing kay dating Pangulong Ferdnaind Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) sa Taguig City.

Hinikayat ng grupong Families of Victims of Involuntary Disappearance (FIND) ang mataas na hukuman na mag-isyu ng temporary restraining order sa plano ng pamahalaan na ilibing na sa LNMB si Marcos sa Styembre.

Isa sa mga argumento ng grupo na hindi umano matutuldukan ng gagawing paglilibing kay Marcos ang napakaraming isyu sa nagdaang mga taon matapos ang panunungkulan nito.

Iginiit din ng petitioners na hindi sundalo si Marcos kaya hindi siya karapat-dapat na mailibing sa LNMB.

Mismong ang Korte Suprema anila kabilang ang mga foreign courts ang nagpasya noon na nagsasabing si Marcos ay may pananagutan sa mga naganap na human rights violations at pagtataglay nito ng ill-gotten wealth.

Dapat umanong ang mga dating pangulo lamang ng bansa na ang panunungkulan ay naging inspirasyon sa maraming Pilipino, ang siyang maaring ilibing sa LNMB.

Kasama sa naghain ng ikalawang petisyon si Albay Rep. Edcel Lagman at si Nilda Sevilla, na honorary chair at co-chair ng grupong FIND.

 

 

 

TAGS: Marcos burial, Marcos burial

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.