4 na manggagawa sa gumuhong tunnel sa Quezon, pinaghahanap pa rin

Kahit masama ang panahon sa kabundukan ng Sierra Madre ipinagpatuloy ang paghahanap sa mga na-trap na manggagawa sa isang tunnel sa Sumag River, Barangay Umiray, Gen. Nakar, Quezon.
Umaga pa lamang ay sinimulan na ng mga tauhan ng 48th Infantry Battalion ng Philippine Army ang rescue operations.
Dumating ang rescuers ng Philex Mining sa bahagi ng Angat dam sa Norzagaray, Bulacan upang tumulong sa paghahanap sa mga nawawalang trabahador.
May dala silang pang-pump ng tubig para mawala ang baha sa loob ng tunnel.
Ayon kay Lt. Col. Ramil Anoyo, commander ng 48th IB ng Philippine Army, sa ngayon hinihintay lamang nila na bumuti ang panahon upang makalipad ang chopper ng PAF mula sa Clark Pampanga kung saan isasakay ang mga rescuer.
Nabatid na nagsasagawa ng inspection ang pitong trabahador sa lugar nang masira ang kanilang dike na iniharang dahil sa malakas na baha.
Nakaligtas sa insidente si Salvador Pacling.
Kabilang naman sa pinaghahanap sina Roland Sanchez, Danny Harnois, Ferdie Sanadan at Zenith Picat habang nasawi naman sina Simeon Sig-od at David Guiqui Jr.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.