Hukom na kasama sa narco-list ni Duterte, nagbitiw sa pwesto

By Dona Dominguez-Cargullo August 16, 2016 - 12:16 PM

Narco-listMatapos mapasama sa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte nagbitiw sa pwesto ang isang hukom sa Siargao.

Ayon kay Jusdge Ezekiel Dagala, ng Dapa, Siargao Municipal Trial Court, isinumite niya ang kaniyang “irrevocable” resignation kay Supreme Court Administrator Jose Midas Marquez noong August 8.

Ito ay para maiwasan aniya ang pagkakaroon ng ispekulasyon na maari niyang maimpluwensyahan ang gagawin imbestigasyon sa kaniya kaugnay sa umano ay pagkakasangkot niya sa droga.

Itinanggi ni Dagala na sangkot siya sa illegal drugs trade at sinabing bukas siyang sumailalim sa lifestyle check.

Inamin din ni Dagala ang pagmamay-ari niya ng maliit na isla sa Del Carmen, Siargao pero nabili lang umano niya ito noon sa halagang P40,000.

Ani Dagala, hindi kumpleto ang listahan ni Duterte dahil wala dito ang mga pangalan ng totoong drug personalities sa Siargao at Surigao del Norte.

 

 

TAGS: Judge on Duterte drug list resigns from post, Judge on Duterte drug list resigns from post

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.