Dahil sa nararanasan na patuloy at malakas na pag-ulan na dulot ng habagat, yellow rainfall warning pa rin ang nakataas sa mga lalawigan ng Bataan, Zambales, at Pampanga.
Sa 11:00AM advisory ng PAGASA, nagbabala ito sa mga residente ng tatlong lalawigan hinggil sa posibleng pagbaha lalo na sa mabababang lugar.
Samantala, thunderstorm naman ang naghahatid ng pag-ulan sa Metro Manila, Rizal at sa lalawigan ng Quezon.
Habang nakararanas ng mahina hanggang sa katamtaman na kung minsan ay may malakas na pag-ulan sa Bulacan, Tarlac, Nueva Ecija, Cavite, Laguna at Batanga.
Ang susunod na abiso ng PAGASA ay ilalabas mamayang alas 2:00 ng hapon.
WATCH: Malakas na ulan, nararanasan sa bahagi ng Commonwealth Ave, QC. @dzIQ990 pic.twitter.com/xwORmOTDcy
— Isa Avendaño-Umali (@isaavendanoDZIQ) August 16, 2016