Heavy rainfall warning, nakataas pa rin sa Bataan, Zambales at Pampanga

By Dona Dominguez-Cargullo August 16, 2016 - 11:32 AM

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Dahil sa nararanasan na patuloy at malakas na pag-ulan na dulot ng habagat, yellow rainfall warning pa rin ang nakataas sa mga lalawigan ng Bataan, Zambales, at Pampanga.

Sa 11:00AM advisory ng PAGASA, nagbabala ito sa mga residente ng tatlong lalawigan hinggil sa posibleng pagbaha lalo na sa mabababang lugar.

Samantala, thunderstorm naman ang naghahatid ng pag-ulan sa Metro Manila, Rizal at sa lalawigan ng Quezon.

Habang nakararanas ng mahina hanggang sa katamtaman na kung minsan ay may malakas na pag-ulan sa Bulacan‬, ‎Tarlac‬, ‎Nueva Ecija‬, ‪‎Cavite‬, ‪‎Laguna‬ at ‎Batanga.

Ang susunod na abiso ng PAGASA ay ilalabas mamayang alas 2:00 ng hapon.

 

TAGS: heavy rainfall warning, heavy rainfall warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.