Patay sa magnitude 5.4 na lindol sa Peru, nadagdagan pa
Umakyat na sa siyam ang bilang ng nasawi sa lindol na tumama sa southern Peru.
Kabilang sa nasawi ang isang turistang Amerikano sa magnitude 5.4 na lindol na naaganap noong Linggo.
Patuloy pa ang operasyon ng emergency workers sa mga lugar na sinalanta ng lindol para maghanap ng posibleng survivors.
Ayon sa mga otoridad sa Peru, nasa 80 bahay ang nawasak sa Arequipa region.
Sa isang lokal village, nawalan ng signal at hindi agad nakahingi ng saklolo para makapagpadala ng heavy machinery na makatutulong upang mahukay ang mga gumuhong establisyimento.
Taong 2007 nang tumama ang malakas na magnitude 8.0 na lindol sa Peru na ikinasawi ng aabot sa 600 katao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.