7 sugatan matapos bumagsak ang malaking camera sa Rio Olympic park

By Dona Dominguez-Cargullo August 16, 2016 - 07:41 AM

AP Photo
AP Photo

Aabot sa pito ang nasugatan matapos na bumagsak ang isang malaking television camera sa Rio Olympic park.

Ang itim na camera na kung tawagin ay ‘spidercam’ at ginagamit para sa pagkuha ng aerial shots sa park kaya napakataas ng pwesto nito.

Nabagsakan ang mga taong nasa ibaba at kita sa ilang video footages na duguan ang mga isinakay sa ambulansya.

Tiniyak naman ng tagapagsalita ng Olympics na hindi malubha ang tinamong sugat ng mga indibidwal na dinala sa ospital.

Posible umanong bumigay ang wire o kable ng camera dahil sa sobrang bigat nito.

 

 

TAGS: Rio Olympics, Rio Olympics

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.