Sinait, Ilocos Sur, niyanig ng lindol
By Dona Dominguez-Cargullo August 16, 2016 - 06:48 AM
Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang Sinait, Ilocos Sur, alas 4:33 ng umaga ng Martes.
Sa datos ng Phivolcs, naitala ang lindol sa 9 kilometers North ng Sinait.
May lalim ang lindol na 64 kilometers at tectonic ng origin.
Dahil sa nasabing lindol, naitala ang Intensity 2 sa Bangued, Abra at Intensity 1 sa bayan ng Sinait.
Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks na maidudulot ang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.