Truck driver malubha sa nagbanggaang truck sa Caloocan City

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Nagsalpukan ang delivery truck at isang trailer truck sa bahagi ng C3 road, Caloocan City.

Dahil dito, malubhang nasugatan ang delivery truck driver na si Edison Bucoy.

Base sa kwento ng rumespondeng fire volunteer na si Mike tan, nawalan daw ng kontrol ang driver ng trailer truck kaya’t binangga nito ang center island bago salpukin ang delivery truck.

Tinatahak ng delivery truck ang southbound lane habang pa-northbound lane naman ang trailer truck.

Ayon naman sa driver ng trailer truck na si Alvin Cabil, mabagal lamang daw ang kanyang takbo at hindi rin umano sya lasing.

Sa ngayon hawak na ng Caloocan city police si Cabil, habang agad namang isinugod sa pagamutan si Bucoy.

Read more...