3 nadagdag sa mga nasawi dahil sa habagat, bilang ng evacuees dumoble

By Kabie Aenlle August 16, 2016 - 04:42 AM

 

Inquirer file photo

Mula sa limang naitala noong Linggo, nadagdagan pa ng tatlo ang bilang ng mga nasawi dahil sa naranasang habagat sa iba’t ibang panig ng bansa.

Dalawa na kasi ang patay habang apat pa ang nawawala at isa ang nakaligtas matapos matrap sa ginagawang tunnel ng MWSS sa Sumag River, Sitio Bituan, brgy Umiray, gen Nakar

Ayon kay Gen. Nakar, Quezon Mayor Eliseo Ruzul malakas ang ulan sa lugar hanggang sa nagkaroon ng flashflood sa ginagawang Umiray-Angat Tunnel.

Ang mga ito ayon kay Mayor Ruzul ay mga manggagawa ng CAVDEAL International Construction na siyang contractor ng MWSS na gumagawa ng Sumag River Diversion Project.

Nag-iinspeksyon umano sa lugar ang pito ng maganap ang insidente sapagkat matagal na nilang ipinahinto ang nasabing proyekto.

Sa Cavite naman, isang lalaki ang nalunod sa rumaragasang tubig na tumangay sa kaniyang sasakyan noong kasagsagan rin ng habagat sa bayan ng Gen. Emilio Aguinaldo noong Linggo.

Ayon kay CALABARZON disaster risk reduction and management council (DRRMC) director Vicente Tomazar, may kasamang dalawang pasahero ang biktima habang binabaybay nila ang Terapichi Bridge nang bigla silang tangayin ng malakas na agos ng baha.

Samantala, umabot naman na sa 50,000 ang bilang ng mga residenteng inilikas mula sa kanilang mga tahanan dahil pa rin sa pagtama ng habagat sa Central at norhtern Luzon.

Ayon kay Office of Civil Defense spokesperson Romina Marasigan, kabuuang 50,592 na indibidwal o 11,087 na mga pamilya na ang naitala nilang laman ng 104 evacuation centers kahapon ng umaga. / Kabie Aenlle

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.