Usain Bolt, target ang ‘triple-triple’ Olympic gold

 

AFP Photo

Malakas ang pananalig ng Jamaican athlete na si Usain Bolt na posibleng makagawa siya ng bagong world record sa 200-meter dash sa Rio Olympics, matapos niyang makuha ang kaniyang third consecutive gold sa 100-meter dash.

Target kasi talaga ni Bolt na higitan pa ang kaniyang 2009 world record na 19.19 second sa 200-meter, at sa tingin niya, makakaya niya ito kung makakapagpahinga lang siya ng maayos.

Ilang beses na ring sinabi ni Bolt na gusto niyang maging kauna-unahang atleta na makakayang takbuhin ang 200-meters sa loob ng mas mababa pa sa 19 seconds.

Ayon pa kay Bolt, nais niyang makamit ang kaniyang “triple triple,” o makakuha ng three consecutive Olympic golds sa 100-meter, 200-meter at 4×100-meter.

May nagsabi aniya sa kaniya na kapag nakuha niya ang tatlong gintong medalya ay magiging imortal siya at parang nagustuhan niya ang ideyang ito kaya iyon ang kaniyang nais magawa.

Read more...