₱0.55 – ₱0.70 na oil price hike, ipapatupad ngayong araw

By Kabie Aenlle August 16, 2016 - 04:40 AM

 

PHILIPPINES-CHINA-DIPLOMACY-MARITIME-OILMagpapatupad ang mga kumpanya ng langis ng dagdag sa presyo ng kanilang produkto ngayong araw ng Martes, August 16, 2016.

Magdadagdag ng ₱0.55 sa kada litro ng kanilang gasolina ang Petron, PTT, Eastern, Unioil, Phoenix, Total, SeaOil at Shell, epektibo mamayang alas-6:00 ng umaga, habang nagpatupad na simula kaninang 12:01 ng hatinggabi ang Flying V.

Tataas naman ng ₱0.70 ang kada litro ng diesel ng mga nabanggit na kumpanya.

Samantala, may dagdag ₱0.65 rin sa kada litro ng kerosene ng Shell, SeaOil, Flying V, at Petron.

Ang pagtaas ng presyo ng langis ay bunsod ng paggalaw rin ng presyo sa

pandaigdigang merkado.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.