Sumukong drug suspect, pinatay sa sariling tahanan

By Kabie Aenlle August 16, 2016 - 04:30 AM

 

File photo

Bagaman nauna nang sumuko at umamin sa kaniyang iligal na bisyo, napatay pa rin ang isang lalaki sa loob mismo ng kaniyang tahanan habang siya ay natutulog sa Subic, Zambales.

Pinatay ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek ang biktimang kinilalang si Orlando Dominguez na residente ng Brgy. Ilwas sa Subic, Zambales.

Ayon kay SPO4 George Cruz, imbestigador sa Subic police station, nakitang umaaligid sa bahay ni Dominguez ang mga suspek.

Isa aniya si Dominguez sa 1,450 na umamin na drug dependents na sumuko sa mga lokal na otoridad, sa pamamagitan ng Oplan Tokhang.

Ayon sa mga testigo, bigla na lamang pinasok ng mga suspek ang bahay ni Dominguez at binaril ito habang natutulog.

Narekober ng mga imbestigador ang isang 9mm live bullet, apat na basyo ng bala mula sa 9mm na pistola at ilang drug paraphernalia sa pinangyarihan ng krimen.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.