Korupsyon sa LTO at LTFRB isusunod na linisin ni Pangulong Duterte
Tiniyak ng Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya tatantanan ang paglaban sa korupsyon sa pamahalaan.
Sa talumpati ng pangulo kahapon sa oath taking sa mga bagong appointee sa kanyang administrasyon, sinabi ng Chief Executive na sunod niyang pupuntiryahin ang mga tiwaling kawani sa Land Transportation Office at Land Transportation and Franchising Regulatory Board.
Ayon sa pangulo, mayroon siyang listahan ngayon subalit mayroon pa siyang idagdag na mga pangalan kung kaya hindi niya muna ilalabas ito.
Ayon sa pangulo, nakausap niya kamakailan ang mga negosyante sa Cagayan de Oro ay ang korupsyon din sa LTO at LTFRB ang kanilang inirereklamo.
Sa paniwala ng pangulo, kung may nagaganap na korupsyon sa Cagayan de Oro, nagaganap ito ng sa buong bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.