Drilon di na nabigla kung di man pondohan ng gobyerno ang Cha Cha

By Jan Escosio August 15, 2016 - 08:10 PM

drilon-1
Inquirer file photo

Hindi na ikinabigla ni Senate President Pro Tempore Franklin Drilon kung walang budget na inilaan ang gobyerno para sa Charter Change sa 2017 proposed national budget.

Ayon kay Drilon sinusuportahan lang nito ang nais ng administrasyon na mabago ang porma ng pamahalaan sa pamamagitan ng Constitutional Assembly.

Paliwanag ni Drilon bagama’t walang magiging partisipasyon ang pangulo sa Cha Cha, may impluwensiya naman ito sa magiging pamamaraan kung Con-Ass ba o Con-Con.

Banggit pa nito may kapangyarihan din sa usapin sa budget ang pangulo kayat maaring mula dito ay masunod din niya ang nais na pamamaraan.

Nauna nang sinabi ni Duterte na mas gusto niya ang Con- Ass kesa sa Con-Con dahil sa isyu ng budget.

At dahil wala masyadong inaasahang gastos sa Con-Ass, wala na ring ilalaang pondo dito sa ilalim mg 2017 budget.

Ang kasalukuyang mga mambabatas kasi ang bubuo sa Con-Ass para atupagin ang pag-amyenda sa Konstitusyon.

TAGS: conass, concon, Drilon, conass, concon, Drilon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.