Lacson pinayuhan ang PNP na huwag masira ang morale sa Senate inquiry

By Ruel Perez August 15, 2016 - 07:53 PM

Ping lacson pnpNgayon pa lang ay pinaalalahanan na ni Sen Panfilo Lacson si Sen Leila de Lima na magdahan-dahan sa gagawin nitong pagtatanong sa mga tauhan Philippine National Police (PNP) na nakatakdang dumalo sa pagdinig ng Senado sa mga nagaganap na extrajudicial killings.

Sa pagtungo ng Senador sa Camp Crame kanina, sinabi nito na nababahala siya na baka masiraan ng loob sa pagsagot ang mga pulis kung ipapahiya ito ng mga mambabatas sa kanilang pagtatanong.

Kaugnay nito, pinayuhan din ni Lacson ang mga pulis na maging kalmado lamang sa pagharap sa Senate investigation Committe on Justice and Human Rghts sa darating na Lunes, August 22.

Pero mahalaga ayon kay Lacson na dapat sumagot lamang ng totoo sa bawat tanong ng mga Senador.

Giit ni Lacson, dapat umanong huwag magpasindak ang mga pulis sa paraan ng pagtatanong ng mga miyembro ng komiyte dahil minsan ay strategy lamang umano ng mga mambabatas ang marahas na pagtatanong para matiyak na hindi nagsisinungaling ang mga iniimbitahang resource persons.

Nauna nang sinabi ni Sen. Leila de Lima na gusto niyang ugatin kung bakit nangyayari ang serye ng extra judicial killings na nagsimula nang ideklara ng pangulo ang kanyang giyera kontra sa droga.

TAGS: de lima, lacson, senate inquiry, de lima, lacson, senate inquiry

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.