2 patay, 4 nawawala sa ginagawang tunnel sa Gen. Nakar, Quezon

By Erwin Aguilon August 15, 2016 - 07:45 PM

GENERAL-NAKARDalawa na ang patay habang apat pa ang nawawala at isa ang nakaligtas matapos matrap sa ginagawang tunnel ng MWSS sa Sumag River, Sitio Bituan, Brgy. Umiray, Gen. Nakar Quezon.

Ayon kay Gen. Nakar Mayor Eliseo Ruzul, malakas ang ulan sa lugar hanggang sa nagkaroon ng flashflood sa ginagawang Umiray-Angat Tunnel.

Nakilala ang nakaligtas na si Salvador Pacling habang hindi pa naman kinikilala ang nasawi mula sa mga manggagawang sina Roland Sanchez, Danny Harnois, Simion Sig-od, Ferdie Sanadan, Zenith Picat at David Guiage.

Ang mga ito ayon kay Mayor Ruzul ay mga manggagawa ng CAVDEAL International Construction na siyang contractor ng MWSS na gumagawa ng Sumag River Diversion Project.

Nag-iinspeksyon umano sa lugar ang pito ng maganap ang insidente sapagkat matagal na nilang ipinahinto ang nasabing proyekto.

TAGS: gen, mwss, nakar, sumag river, gen, mwss, nakar, sumag river

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.