Baha at pagguho nagbabanta pa rin sa Northern Luzon dahil sa Habagat

Cordillera landslideNananatiling naka-alerto ang Office of Civil Defense sa Cordillera Region dahil pa rin sa patuloy na masamang panahon na nakakapekto sa Northern Luzon dulot ng Habagat

Sa briefing ng PAGASA sa Camp Aguinaldo, nagtaas umano sa alert level blue ang Cordillera Region Disaster Risk Reduction and Management o CRDRRM Operations Center

Base sa pagtaya ng PAGASA, posibleng magkaroon ng mga pagguho ng lupa dulot naman ng mga flash floods dahil sa mga pag-ulan sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region (CAR) at sa mga probinsya ng Zambales, Bataan, Cavite, Batangas at Mindoro.

Sa hilagang Luzon, hagip ng habagat ang mga probinsya ng Aurora, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Ifugao, Benguet, Mountain Province, Abra, Apayao at Kalinga.

Habang pabugso bugso naman ang pagpatak ng ulan sa Western Visayas, at sa nalalabing bahagi ng Central Luzon at sa mga probinsya ng Laguna, Quezon, Rizal at Palawan.

Read more...