Pagbalangkas sa comprehensive anti-drug plan ng gobyerno umusad na

By Ruel Perez August 15, 2016 - 03:46 PM

high-grade-shabuNagsagawa na ng pag-uusap ang ilang kinatawan ng Philippine National Police, National Bureau of Investigation, Department of Justice, kasama ang tatlong Senador kaugnay sa pinalakas na kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga.

Kabilang sa mga senador na dumalo sa pagpupulong ay sina Senador Panfilo Lacson, Gregorio Honasan at Vicente Sotto III.

Sa panayam kay Sen Lacson sa Camp Crame, kanyang sinabi na kabilang sa napag usapan sa pulong ang mungkahing pagsamahin na lamang ang lahat ng anti-illegal drug efforts ng gobyerno.

Paliwanag ni Lacson, sa kasalukuyang set-up, hiwalay ang aspeto ng rehabilitasyon sa mga drug user at pusher habang nasa ilalim naman ng DOJ ang law enforcement efforts.

Ani Lacson, mayroon din silang hiwalay na panukalang batas ni Sen Gregorio Honasan hinggil sa pagpapalawig ng anti-wiretapping law.

Kaya maging sa ilalim umano ng panukalang batas na inihain ni Sen Sotto ang integration na lamang o pagsasama sama ng mga panukang ito gayundin ng iba’t ibang aksyon ng concerned government agencies.

Napag-usapan din sa pulong ang pagbuo ng isang solid na inter-agency body na tututok sa isyu ng droga sa bansa.

TAGS: Crame, Honasan, Illegal Drugs, lacson, Sotto, Crame, Honasan, Illegal Drugs, lacson, Sotto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.