Mga tutol sa hero’s burial para kay Marcos nagpasaklolo na sa SC

By Den Macaranas August 15, 2016 - 03:06 PM

ferdinand-marcosDumulog na sa Mataas na Hukuman ang ilang mga Human Rights victims noong panahon ng Martial Law para harangin ang paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB).

Sa kanilang inihaing petion for certiorari and prohibition, sinabi nina dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, Neri Colmenares at Bonifacio Ilagan na hindi dapat bigyan ng hero’s burial ang dating strongman.

Partikular na naging sandigan ng grupo sa kanilang petisyon ang Republic Act 289 na nagsasabing tanging mga pangulo at sundalo lamang ng bansa na nagbigay ng inspirasyon at karangalan sa bansa ang pwedeng ilibing sa Libingan ng mga Bayani.

Kanilang sinabi na dapat igalang ng pamahalaan ang naging kasunduan noong 1993 kung saan pumayag ang pamilya Marcos na na sa Ilocos Norte ilibing ang mga labi ng dating pangulo.

Ang paglilibing umano kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani ay magdudulot lalo ng pagkakahati-hati sa mga Pinoy.

Sa September 18 itinakda ang libing ng dating lider sa Libingan ng mga Bayani.

Kabilang sa mga respondents sa kanilang inihaing petisyon sa Supreme Court ay sina Rear Admiral Ernesto Enriquez, Armed Forces of the Philippines chief Gen. Ricardo Visaya, Defense Secretary Delfin Lorenzana at ang pamilya Marcos sa pangunguna ni dating first lady at ngayo’y Ilocos Norte Rep.Imelda Marcos.

 

Libingan petition

 

 

TAGS: libingan ng mga bayani, marcos. certiorari, suppre court, libingan ng mga bayani, marcos. certiorari, suppre court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.