Nanindigan ang Order of the Knights of Rizal na sinisira ng Torre De Manila ang Bantayog ni Dr. Jose Rizal sa Luneta Park.
Si Atty. William Jasarino, abugado ng mga petitioner, ang naglahad ng argumento at wikang Filipino ang kanyang ginamit sa kanyang opening statement na tumagal ng sampung minuto.
Sa gitna ng pagdinig, ipinakita ni Jasarino ang litrato ng Rizal Monument noong mga panahong wala pa ang Torre De Manila at kanya itong ikinumpara sa litrato ngayon ng Rizal Monument na mayruon nang background ng mataas na gusali.
Nagpakita rin ng isa pang litrato si Jasarino na naglalarawan ng kanilang pangamba na matadtad na ng matataas na gusali at mga billboard ang ‘sightline’ ng Rizal Monument kapag hinayaan na lamang ang konstruksyon ng Torre De Manila.
Ang petisyon din umano ay inihain bilang pagsasaalang-alang sa Sections 14, 15 at 16 ng Article 14 ng Konstitusyon na tumutukoy sa responsibilidad ng estado na protektahan ang mga historical at cultural heritage sa bansa.
Ang Rizal Monument ay idineklara ng National Museum bilang National Cultural Treasure at dahil dito, protektado ang monumento ng mga sumusunod na batas: – RA 4846 o Cultural Properties Preservation and Protection Act , RA 7356 o National Commission on Culture and the Arts , RA 10066 o National Cultural Heritage Act of 2009 na nagtatakda ng proteksyon sa National Cultural Heritage.
Ipinunto din ng mga petitioner na maituturing na “nuissance” o panggulo dahil salig umano sa Article 694 ng Civil Code of the Philippines, ito ay sumisira o nagdudulot ng pagkadismaya sa moralidad.
Dagdag pa ng mga petitioner, nakakapagdudulot ng pagkadismaya ang proyekto sa bawat Pilipino na nagbibigay-pugay sa alaala ni Rizal.
Malinaw din umano na hindi nasunod ang Manila Zoning Ordinance nang itayo ang Torre de aat mayruong bad faith sa panig ng developer at buyer dahil itinuloy pa rin ang konstruksyon kahit sa simula pa lamang ay may kontrobersiya na. / Ricky Brozas
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.