1 ang patay, 5 pa nawawala sa gumuhong tunnel sa Quezon
Nasawi ang isang lalaki matapos madaganan ng gumuhong tunnel sa General Nakar, sa lalawigan ng Quezon.
Ang tunnel na para sa itinatayong dam sa Sitio Sumat, Barangay Umiray ay nasaira bunsod ng malakas na buhos ng ulan.
Noong Sabado pa naganap ang pagguho, pero ngayong umaga ito kinumpirma ng Municapal Disaster Risk Reduction & Management Council (MDRRMC).
Kabilang sa mga natabunan ang mga trabahador na kinilalang sina Roland Sanchez, Danny Harnois, Simion Sig-Od, Ferdie Sanadad, David Guiage, at Zenith Picat.
Ang mga manggagawa ay kinuha ng Cavdeal International Construction na siyang gumagawa ng waterways sa Umiray River sa kabunduan ng Sierra Madre patungo sa Angat Dam sa Bulacan.
Hindi pa naman matukoy ng MDRRMC kung sino sa anim na nabanggit ang nalunod at nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.