May hamon ang Pangulo sa kanyang kritiko

July 21, 2015 - 07:30 PM

Inquirer file photo

Pinatutsadahan ni Pangulong Benigno Aquino III si Vice President Jejomar Binay sa talumpati nito sa ceremonial signing ng bagong Philippine Competition Act at Amended Cabotage Law sa Malacañang.

Sa dulo ng kanyang mensahe, hinamon nito ang pinakamatindi niyang kritiko na maghanap ng pruweba na hindi talaga naglilingkod ang mga kinatawan sa parehong kapulungan ng kongreso.

Walang binanggit na pangalan ang pangulo sa tinutukoy niyang kritiko pero isa sa pinakamaingay na bumabanat ngayon sa administrasyon ay si VP Binay.

Una nang tinawag ni Binay na incompetent, tamad at manhid ang pamahalaan ni Pangulong Aquino sa damdamin ng mamamayang Pilipino.

Inakusahan din ni Binay ang administrasyon ng umano’y pagpapagamit sa pondo ng bayan sa mga kaalyado ni Pangulong Aquino./ Alvin Barcelona

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.