WATCH: Pilipinas, wagi sa World Hiphop Dance Championship na ginanap sa Las Vegas

By Dona Dominguez-Cargullo August 15, 2016 - 08:22 AM
Twitter Photo | @UPeepzofficial
Twitter Photo | @UPeepzofficial

Wagi ang dance group na “UPeepz” mula sa Pilipinas sa 2016 World Hiphop Dance Championship na ginanap kagabi sa The Westin Lake Las Vegas Resort and Spa sa Nevada.

Ang “UPeepz” na professional dance crew mula UP Diliman ang nakapag-uwi ng gintong medalya sa MegaCrew Division matapos makakuha ng score na 8.69.

Binubuo ng 3,500 na dancers mula sa 48 bansa ang nasabing kompetisyon.

Inawit pa ng “UPeepz” ang Lupang Hinirang matapos silang tanghaling kampeon.

Sa post sa kanilang twitter account, nakasaad na para sa bansa ang kanilang pagkapanalo.

Maliban sa “UPeepz” nagwagi bilang 3rd place sa Varsity Winning Crews division ang isa pang team mula sa Pilipinas na “The Alliance”.

TAGS: Philippine dance group UPeepz wins MegaCrew Division championship on World Hiphop Dance competition, Philippine dance group UPeepz wins MegaCrew Division championship on World Hiphop Dance competition

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

[forminator_form id="331315"]