5 hinihinalang pushers, patay sa operasyon sa Payatas QC

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Pinasok ng mga tauhan ng station 6 ng Quezon City Police District (QCPD) sa isang mosque sa Barangay Payatas A sa lungsod na pugad umano ng mga tulak ng illegal na droga.

Pinangunahan ni QCPD station 6 commander P/Supt. Lito Patay ang ikinasang drug buy-bust operation sa lugar target ang dalawang notoryus na pusher na sina alyas Sherwin at alyas long hair.

Ayon kay Patay, nagpaputok ng baril ang mga suspek matapos makatunog sa buy-bust operation ng mga otoridad, dahilan para gantihan na sila ng putok ng mga otoridad.

Lima ang dead-on-the-spot kasama na sina alyas Sherwin at long hair.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang 38 revolver, dalawang 45 caliber pistol, isang 357, P2,000 na buy bust money at hindi pa mtiyak na dami ng iligal na droga.

Buong Quezon City umano ang distribuyson ng iligal na droga ng mga napaslang na mga pusher.

 

 

Read more...