Lady DJ at boyfriend, arestado sa ecstasy raid

August 15, 2016 - 04:24 AM

 

Inquirer file photo

Arestado ang isang radio DJ at boyfriend nito sa raid na isinagawa sa condominium unit ng lalakeng suspek sa Pasig City.

Kinilala ni Sr. Supt. Tomas Apolinario, district director ng Southern Police District ang mga naarestong suspek na sina Emilio Lim at ang FM radio DJ ng Monster RX 93.1 na si  Karen Bordador na girlfriend ni Lim.

Una rito, naaresto ang isang Filipino-American na si Evan Reynald Baylon na nagbenta ng mga ecstasy tablets sa poseur-buyer sa entrapment operation sa Bonifacio Global City sa Taguig kamakailan.

Ito umano ang nagturo kay Lim na siyang pinagmumulan ng kanyang ibinebentang party drug na nagresulta sa follow-up operation ng mga otoridad sa condo unit ng suspek na si Lim sa Henry Javier Street, Barangay Oranbo, Pasig City.

Sa condominium unit ni Lim, nadiskubre ang aabot sa P2.5 milyong pisong halaga ng mga ecstasy pills, pinatuyong dahon ng marijuana, marijuana resin, mga drug paraphernalia at P100,000 buy-bust money.

Ayon pa kay Apolinario, ang operasyon ay bahagi ng kanilang pinaigting na kampanya upang mapigil ang pagkalat ng mga party drugs at iba pang uri ng droga sa ilang mga high-end bars sa Southern Police District.

Ilan umano sa mga nabibiktima ng grupo ay mga estudyante, at maging mga showbiz personalities.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.