Ika-23 gintong medalya, iuuwi ni Michael Phelps

 

Inquirer.net/AP

Nakuha na ng US swimmer na si Michael Phelps ang ika 23 niyang medalyang ginto sa Rio Olympic Games.

Nanguna si Phelps sa butterfly event ng 4×100 meter medley relay upang mapanatiling nangunguna ang US team sa naturang event.

Sa kasaysaysayan ng Olympics, walang ibang  manlalaro ang nakakuha ng 23 medalyang ginto.

Ang pinakamaraming medalyang ginto naiuwi ng isang atleta sa Olympics ay siyam.

Sa kabuuan ng palaro sa Rio De Janeiro, mag-uuwi si Phelps ng limang ginto at isang silver medal.

Una nang nagretiro noong 2012 si Phelps matapos ang London games,  ngunit nagpasyang bumalik para sa taong ito.

Read more...