Eric Cray handa na sa 400-meter hurdles sa Rio Olympics

By Kabie Aenlle August 15, 2016 - 04:18 AM

 

Inquirer file photo

Handa na si Eric Cray sa pagsabak sa laro laban sa iba pang magagaling na kalaban mula sa iba’t ibang bansa sa 400-meter hurdles sa Rio Olympics.

Gaganapin ang laban ni Cray sa Maracaña Stadium, Lunes ng umaga sa Rio de Janeiro o Lunes ng gabi dito sa Pilipinas.

Ayon kay Cray, maganda ang kaniyang pakiramdam at handang handa na siyang lumaban.

Relax rin lang si Cray dahil aniya, napakatagal na niyang pinaghandaan ang laban na ito at hindi rin makakatulong sa kaniya kung sosobrahan pa niya.

Pangako ni Cray, gagawin niya ang lahat ng kaniyang makakaya habang ine-enjoy ang bihirang karanasan sa kaniyang buhay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.