5 pampasabog, nadiskubre ng mga pulis sa Thailand matapos ang mga pag-atake

By Kabie Aenlle August 15, 2016 - 04:21 AM

 

Inquirer.net/AP

Natagpuan ng mga pulis sa Thailand ang lima pang pampasabog na bigong ma-detonate ng hindi pa nakikilalang grupo na umatake sa mga tanyag na pasyalan doon noong nakaraang linggo.

Ayon sa mga pulis, naaresto na nila ang isag suspek sa bomb at arson attacks na naganap noong Huwebes at Biyernes na ikinasawi ng apat na katao, at ikinasugat ng dose-dosenang iba pa.

Dalawang pampasabog na nasa mga mobile telephone power packs ang natagpuan sa isang palengke sa isang upscale resort na Hua Hin, araw ng Linggo.

Na-defuse naman ito ng mga pulis na nagsabing noong Miyerkules pa nasa nasabing resort, kung saan naganap ang pinakamatinding serye ng mga pagsabog noong Huwebes ng gabi.

Isa pang bomba ang natagpuan naman sa isla ng Phuket araw ng Linggo, at dalawa pa sa Phang Nga noong Sabado.

Lahat naman ng mga pampasabog ay ligtas na na-defuse ng mga otoridad, at inaasahang magagamit para sa maimbestigahan nang mas maigi ang mga pag-atake na naganap.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.