Aniya, maituturing na collective effort ng mga pulis ang paggawa nila ng isang kabutihan araw-araw sabay giit na mas gugustuhin na niya ito kumpara sa paminsan-minsan na ‘one time big time’ accomplishment lamang.
Sinabi pa nito na ang tunay na sukatan sa pagtupad sa tungkulin ay ang paggawa ng lahat ng mga miyembro ng kabutihan.
Magugunita na sa kanyang assumption speech, sinabi ni Marquez na prayoridad niya ang police visibility dahil sa ganitong paraan ay mapapalapit din ang mga pulis sa mamamayan at kasunod nito ang palagayan ng loob sa isa’t isa at panunumbalik ng buong tiwala.
Umaasam si Marquez na mas mapapagtibay niya ang PNP para naman mas makatulong sila sa pagiging matatag ng bansa./ Jan Escosio