Nakilala ang mga nasawing biktima na sina Li Alan Yan, Chu Kin Tung at Wong Men Ping.
Sa inisyal na imbestigasyon, dalawang Pinoy na preso ang bigla na lamang umanong pumasok sa selda 6 ng maximum security compound ng DPPF at pinagsasaksak ang tatlo, noong Sabado.
Agad namang sumuko sa mga otoridad ang mga suspek na nakilalang sina Leopoldo Tan Jr. at Fernando Magdadaro matapos ang krimen.
Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng dalawa sa naturang insidente.
Ang DPPF ang dating Davao Penal Colony (Dapecol) na pinatatakbo ng Bureau of Corrections sa Davao Del Norte.