Headline: Gas leak nadiskubre sa kasagsagan ng baha sa Bataan

 

Inquirer file photo

Nadiskubre ng mga residente ng Brgy. San Ramon sa Dinalupihan, Bataan na may tumagas na langis sa kanilang lugar habang nasa kasagsagan ng pagbaha dulot ng habagat.

Ayon kay Dinalupihan Mayor Gila Garcia, ininspeksyon ang pinagmumulan ng gas leak at napag-alaman na ito ay nagmula sa isang maliit na butas sa lumang pipeline ng Subic-Clark Pipeline Corp.

Ito ang nagsu-supply ng aviation fuel sa Clark Special Economic Zone sa Angeles City, Pampanga.

Bilang pag-iingat, pansamantala munang tinakpan ng mga lokal na opisyal at municipal disaster and risk reduction management council ang butas gamit ang buhangin upang hindi sumabog ang kemikal na nagmumula dito.

Hindi ito ang unang beses na nakaranas ng gas leak ang barangay mula sa parehong pipeline.

Nangyari na rin kasi ito noong Pebrero ng taong ito, at isinisisi ang insidente sa construction na ginagawa ng Department of Public Works and Highways.

Read more...