Yellow rainfall alert, itinaas sa Metro Manila at mga kalapit probinsya

 

Itinaas ng PAGASA ang yellow rainfall warning sa Metro Manila, Bulacan, Zambales, Bataan at Pampanga.

Babala ng PAGASA, posibleng bahain ang mga mababang lugar sa mga nabanggit na lalawigan at lungsod.

Samantala, mararanasan naman ang mahina hanggang katamtamang lakas ng ulan sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Tarlac at Nueva Ecija na maaring tumagal sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.

Read more...