Malakanyang: Kriminalidad sa buong bansa, bumaba

By Ricky Brozas August 14, 2016 - 02:49 PM

 

gun crime suspect drugsBumaba ng 9.8 percent ang crime rate sa buong bansa nitong nakalipas na buwan ng hulyo kumpara sa kaparehong panahon noong 2015, ayon sa Malakanyang.

Tinukoy ni Communications Secretary Martin Andanar ang ulat ni PNP Spokesperson Senior Supt. Dionardo Carlos na umabot na lamang sa kabuuang 50,817 ang insidente ng kriminalidad kumpara sa 56, 339 noong nakalipas na hulyo ng nakaraang taon, o mas mababa ng kumpara 5,522 incidents.

Ayon kay Andanar, patuloy na umaani ng positibong resulta ang kampanya kontra droga at krimen ng kasalukuyang administrasyon isang buwan matapos umupo si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamahalaan.

Bumamaba rin aniya ang crime versus poverty ng 40.3 percent mula sa 11,106 incidents last year ay 4,476 na lamang ito noong Hulyo ng kasalukuyang taon.

Ang tatlong mga tinukoy na pangunahing krimen sa bansa ay ang pagnanakaw, physical injury at robbery.

Umapela naman si Andanar sa publiko na makipagtulungan sa PNP para maisakatuparan ang campaign promise ng Presidente na solusyunan ang talamak na kriminalidad, corruption, at problema sa illegal drugs sa loob lamang ng tatlo hanggang anim na buwan.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.